Sa isang lipunang puno ng mga api
Na ang mga dukha'y kawawa't walang kakampi
Busabos, maralita at masang anak pawis
Lugmok sa kahirapan, nagugutom, sa twina'y nagtitiis.
Bakit ayaw ipamudmod ang kayamanang para sa kanila?
Ilang taong pinaghirapan at ang iba'y nagpa-alila.
Nagbuwis ng buhay at masigasig na nakipaglaban.
Kailan kaya ang tunay tagumpay ay matitikman?
Matagal na panahon na ang ating iginugol
sa demokratikong pakibabaka laban sa mga polisiyang napakasahol.
Nagdudulot ng mabibigat na pasanin sa mga taong bayan,
Karamiha'y nagdurusa, naghihirap at naghahangad ng kalayaan.
Ang kay Juan ay kay Juan at ang kay Pedro'y kay Pedro.
Ngunit sino nga ba si Juan at Pedro kung mayaman ang kalaban mo?
Sa panahong ang pera ang makapangyarihan
May pag-asa pa bang ang hustisya ay makamtan?
Akda ni:
Jordana Mari Jaco
Tagapangulo
Anakbayan - UP Visayas Miag-ao Chapter
*Ito ay isang akdang ginawa upang ipakita ang aming pakikisangkot sa laban ng mga magsasaka at mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita, Inc.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento