1. Ano ba ang Office of the Student Regent, at bakit ito kailangan ipagtanggol?Ang Student Regent, o SR, ang tanging representative nating mga estudyante sa Board of Regents, ang highest policy-making body ng buong UP System. Kung icocompare natin sa gobyerno, ang UP Admin ang "executive branch" (i.e si GMA), habang ang BOR ang Kongreso at Senado.
Kadalasan, tanging ang SR lang ang maaasahan na dalhin sa mga BOR Meetings ang mga student concerns at issues. Minsan nga, tanging ang SR rin lang ang boboto sa panig ng mga estudyante. Halimbawa, nung kainitan ng pagtutulak ng 300% TOFI noong 2006, si dating SR Raffy Sanchez ang walang humpay na nakipag-negosasyon sa ilan sa mga ibang Regents para hindi aprubahan ang TOFI (hindi rin nagtagumpay dahil hindi na rin pinapasok si Sanchez at ang dating Faculty Regent noon para bumoto).
2. Mula kanino kailangang ipagtanggol ang OSR?
Mula sa intervention, o pakikialam, ng UP Administration. Mula rin sa outside intervention, o pakikialam ng mga indibidwal, grupo, at interes, sa labas ng Unibersidad.
Sa mga pagkakataon na nagbabanggaan ang interes ng mga estudyante at ng UP Admin/National Admin (at ito ay madalas mangyari), ang SR ay nagiging malaking headache para sa kanila. Sa kasaysayan ng UP, 2 beses ng nagkaroon ng intervention sa OSR.
Ang una ay noong 1991, nung hindi inappoint ni UP President Jose Abueva ang napili ng mga estudyante bilang SR na si Jose Ilagan. Bagkus, inappoint niya ang pro-Admin na si Angelo Jimenez.Ang pangalawang pagkakataon ay noong 1999, kung saan hinarang ang pag-appoint sa hinalala na SR na si Ferdinand Zafranco.
3. Paano inaatake ang OSR?
Mula ng itatag ang OSR noong panahon ng Martial Law, ang SR ay hinahalal ng isang General Assembly ng mga Student Councils sa buong UP System, sa katauhan ng KASAMA sa UP hanggang 1996, at GASC mula 1997 hanggang sa kasalukuyan.
Ngunit sa bagong UP Charter, hindi kinikilala itong paraan ng pagpili sa SR. Para daw maging mas demokratiko ang proseso, pipiliin ang pamamaraan ng pagpili sa SR sa isang Referendum. Ito ang pa-inosenteng paliwanag ng UP Admin. Pero sa totoo, ito ay naglilikha ng posibilidad na hindi tayo makakapili ng SR. Dahil kung hindi aaprubahan ng mayorya ng mga estudyante ng UP (nangangahulugan na 50% + 1 ng lahat ng estudyante mula UP Baguio hanggang UP Mindanao), hindi tayo makakapili ng SR.
Malaki ang posibilidad na mangyari ito dahil ang pinaka-malaking UP unit, ang Diliman, ay parating mababa ang voters' turn-out sa mga student council elections. Malaki ang pinsala na matatamo ng Referendum kung ganito rin ang mangyayari dun.
Sa madaling salita, ang Referendum Clause sa bagong UP Charter ang sandata ng UP at National Admins para pakialaman at pilayin ang isang institusyon na nagtatanggol sa mga estudyante. Kung dati ay siguradong magkakaroon ng SR sa bawat taon, ngayon ay parating nanganganib ang pagkakaroon ng SR. Maraming paraan para hindi maabot ang boto ng "YES" ng 50% + 1.
4. Bakit urgent ang pagtanggol sa OSR ngayon?
Maraming hamon ang kinakaharap nating mga Iskolar ng Bayan. Una ay ang bagong serye ng mga Tuition and Other Fee Increase. Ito ay nilahad ni UP President Emerlinda Roman sa isang palabas sa telebisyon noong nakaraang Disyembre. Ayon sa kanya, mura pa ang kasalukuyang tuition sa UP, na P40 libo kada taon. Mura pa daw ito, kung ikukumpara sa aktwal na halaga ng ating matrikula na P50 libo kada taon.
Ngunit hindi ito mura, lalo na sa pananaw ng karaniwang Pilipino na nabubuhay sa 'di-aabot sa P56 kada araw. Sumusunod ang UP Admin sa patakaran sa edukasyon ng rehimeng Arroyo na tinutulak ang mga state colleges and universities na tuluyan ng hindi i-subsidize ang edukasyon, kasama ang matrikula.
Pangalawa ay ang tumitinding campus repression na nararanasan sa buong bansa, hindi lamang sa UP.
Pinaka-malala ang karanasan ng UPLB, kung saan na-delay ang pagkakaroon ng mga student council dahil sa intervention ng UPLB Admin. Ganun rin ang nangyari sa kanilang opisyal na pahayagan, ang Perspective. Umabot sa punto na kinukuha ng militar ang mga personal records ng mga lider-estudyante sa UPLB, habang ang ilan pa nga ay binantaan na arbitrarily ibabagsak sa kanilang mga subjects.
Sa UP Visayas at sa UP Baguio, may curfew ng 6pm sa kanilang mga campus. Sa UP Mindanao naman, labas-masok ang militar na naka-full battle gear sa kanilang Campus. Sa UP Pampanga, binantaan ang mga miyembro ng kanilang USC na ie-expel sila kung sasama sila sa mga kilos-protesta.
Dito naman sa Diliman, naglabas ang Office of Student Affairs ng isang bagong Student Handbook na walang konsultasyon sa mga estudyante. Hanggang ngayon, walang pinapakitaan ng laman nito. Nilabag naman ang matagal na kasunduan sa pagitan ng UP Admin at ng Dept. of National Defense ng nagtayo ang PNP ng ilang mga estasyon sa loob ng ating Campus. Bagama't dinadahilan na kailangan daw ng dagdag-tulong ng UPD Police, kaya naman hirap na hirap ang UPDP ay dahil sobrang baba ng budget na binibigay sa kanila. Andyan rin ang Section 464 ng bagong UP System Code, kung saan pinagbabawal ang lahat ng mga organisasyon sa UP na hindi academic-oriented.
5. MANINDIGAN PARA SA MGA KARAPATAN! OSR, IPAGLABAN!
Ang Unibersidad ng Pilipinas ay may mahabang kasaysayan at tradisyon ng militanteng pag-tanggol sa mga karapatan ng estudyante at mamamayan, ito man ay sa mga lokal o pambansang usapin.Ito ay kinakatakutan ng iilan, at hinahangaan ng sambayanan.
Kasama sa tradisyon na ito ang pakikibaka na nagbungga ng OSR. At kasama sa tagumpay ng ating mga kasalukuyang ipinaglalaban ang OSR. Kaya naman kinakailangan natin tignan na pakikibaka nating lahat ang pagpapatuloy sa OSR. Kinakailangan natin ilantad sa mas maraming bilang ng mga estudyante ang tunay na motivations sa likod ng Referendum at itakwil ang UP at National Administrations para sa kanilang pataksil na pakikialam. Paano? Sa partisipasyon natin sa kampanya para maipasa ang Referendum, mula sa simpleng pagboto ng "YES" sa Jan. 26-31, hanggang sa pagpapaliwanag sa mas maraming bilang ng mga kapwa estudyante natin.
This article was taken from:
http://redstudentswill.multiply.com/journal/item/305/5_Simple_Points_Bakit_kailangang_ipagtanggol_ang_OSR
http://redstudentswill.multiply.com/journal/item/305/5_Simple_Points_Bakit_kailangang_ipagtanggol_ang_OSR
Disregard the 'byline' above.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento