Ang Board of Regents ay ang pinakamataas na policy making body ng UPSystem. Pagpili ng pangulo ng UP System hanggang sa dekano ng isangkolehiyo ay ilan lamang sa mga pinagpapasyahan ng Board of Regents.
Ang nag iisang student regent ay ang kumakatawan sa mahigit kumulang55,000 na mga-aaral ng UP System. Sa pamamagitan ng student regent aynapapahayag ang boses ng mag-aaral sa maraming desisyon at polisiya ngunibersidad, kasama na ang maiinit na isyu ng TOFI.
Ang student regent ay produkto ng pakikibaka, dugo at pawis ng mgaiskolars ng bayan para sa representasyon sa Board of Regents mula panoong panahon ni Marcos. Ang ganap na representasyon ay naibigaylamang noong 1987 pagkatapos na umupo si Pangulong Aquino at angnaging unang rehente noon ay ang ngayong senador, Kiko Pangilinan,sinundan ni David Seldran na ngayo'y isang journalist.
Ang Codified Rules on Student Regent Selection (CRSRS) ay binuo ng mgastudent councils ng buong UP System (GASC). Ang kasalukuyan nitonganyo ay resulta ng maraming taong pag aamend at pag review ng GASC.
Ngayon, dahil sa R.A. 9500, kinailangan na ito'y isalang sa isangreferendum na lalahokan ng lahat ng mga iskolars ng bayan. Kailanganng humigit kumulang 28,000 iskolars ng bayan ang bomoto pabor ditoupang ito ay kilalanin ng UP Administration na ayon sa UP Charter.Totoong mahirap at nanganganib ang kaisa isang representasyon natin saBOR pag di natin ito mapagtagumpayan.
Kaya sa darating na Enero 26-31, 2009, tayo ay bomoto ng YES sa CRSRS,dalhin lamang ang ating valid school ID o di kaya naman ay Form5 atisang valid na ID (pag walang valid na school ID).
Ipaglaban, ang Office of the Student Regent! Say YES to CRSRS.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento