Pages

Biyernes, Hulyo 11, 2008

Ika-apat na Kabanata: “Ang Nawawalang Ngiti”

Pasado na alas dos ng hapon nang dumating kami sa lugar kung saan natin makikita ang
talagang puno ng Iloilo River. Nagkagulo kami. Kasi sabi sa instruction: “Objective 5 is on the west bank of the opening of Iloilo River facing Guimaras.” Nalito kami kasi sabi ni Prof ay hindi na raw gagamit ng kompas. Kung babasahin natin ang instruction, kanluran daw na nakaharap sa isla ng Guimaras. Ang kanluran na aming nakita ay ang International Port. Sabi rin kasi sa instructions na tinutukoy na lugar madalas magpiknik ang magkapamilya. Imposible naman sa pier. Naisip namin ang Rotary Park. Hmmmppp.. posible… kaya lang… medyo malayo ang parke sa ilog. Hindi naman nakasaad dito kung gaano kalayo. Nagpasya kaming i-text Prof. Nagreply naman siya at sabi niya, Rotary Park nga.

Iyon! Dumiretso na kami doon. Pagpasok namin sa lugar , hindi rin namin inaasahan ang aming nakita. Parke ba ito? Hindi halata! Pinasok pa namin lalo ang lugar. Doon sinalubong kami ng isang batang lalaki. Siya si JR. Dito na siya lumaki sa parke. Kinuwento namin sa kanya na ang lugar na ito ay dating pasyalan ng mga pamilya. Dito sila nagpipiknik at nagsasaya. Pero ang mga bagay na ito ay alam ni JR. Kinuwento rin niya sa amin kung anu-ano ang mga naging pagbabago sa lugar sa pagdaan ng panahon.

Oo. Isa pa ring pasyalan hanggang ngayon ang Rotary Park pero hindi ganun kasaya tulad ng dati. Madalang na lang ang pagdating ng mga magpipiknik. Meron pa nga raw tuwing Sabado at Linggo pero hindi na ganun kadami.

Laganap na rin daw sa lugar na iyon ang iba’t-ibang scandals at krimen ―sex, mga lasenggo, away sa lupa at mga rugby boys.

Malaki nga raw ang naging pagbabago sa lugar na iyon. Masaya sila kasi naging tirahan nila ang lupang kinatitirikan ng parke. Subalit nakakalungkot pa rin dahil unti-unti nang nawawala ang pagpapahalaga na dapat ipakita para sa lugar na tulad ng Rotary Park kasi ito ay naging bahagi ng kasaysayan. Mas magiging may silbi pa sana ito kung pinalago at ginamit ng tao. Dito sana sa lugar na ito magkakaroon ng ibang kasiyahan tulad ng dati. Malamig na simoy ng hangin… Magandang tanawin ng dagat at isla ng Guimaras… Tahimik na paligid… Subalit ang mga ito ay nawalan na ng silbi… Sayang… Ang ngiti na sana ay magbabalot ng saya sa bawat isa… Ang ngiti na nagpapaalis ng gulo at away… Ang ngiti na ang dulot ay pag-ibig…. Ngayon… wala na….

Kailan kaya maibabalik ang mga ito? Kailan ulit makikita ang ngiti sa lugar na iyon? Ang mga halakhak? Tawanan? Pagmamahalan? Kailan kaya?

Nagpasalamat na kami at umalis dala ang malulungkot na katotohanan. Nahalata namin. Bakit puro malulungkot na mga bagay ang aming baon sa bawat pit stop na amin napupuntahan? Hhmmpp… Sumakay na kami ulit ng jeep papunta sa huling pit stop.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento