Daan-daang taon man ang lumipas
Tunggali-an ng uri’y di malulutas
labanan ng mga naghahari at pinagsasamantalahan
kontradiskyong laganap sa buong kapuluan
Ekta-ektaryang lupaing may bakud
Sakada’y pababang hinuhugot
Kaunting pahinga’y buong araw na pagod
Isang taong trabaho sahod ay kakarampot
Nagsisiksikan ang mga tao sa lungsod
Mga mayayama’y sa yaman ngpapalunod
Ipinagkakait ang lupa na di sana’y palayan
Ginagawang subdibisyon ngunit di naman napagkakakitaan.
Uring proletaryo’y magbuklod at magkaisa
Mamamayan, kabataan, manggagawa’t magsasaka
Panahon na ngayon, tayo’y mag-alsa at lumaban
Sa ikalalaya ng lupa ay ikalalaya ng bayan.
Akda ni:
Jose Ma. Nolen Marc P. Lasaga
Vice Chairperson
ANAKBAYAN - West Visayas State University Chapter
*Ito ay isang akdang ginawa upang ipakita ang aming pakikisangkot sa laban ng mga magsasaka at mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita, Inc.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento