“Paghahanda” 
Malapit nang mag alas 9 pero kakaunti pa rin ang dumating sa mga kagrupo ko. Nang araw kasi na iyon gaganapin ang isang ‘activity’ sa Social Science 26. Tinawag iyon na “Amazing Adventure” ni Prof. Leo, guro namin sa nasabing asignatura. Eksaktong alas 8:45 nang dumating sila. Ilang sandali rin ay dumating si Prof. Leo. Akala ko ay magsisimula na kaagad ang orientation para sa activity. Bibili pa pala si Prof ng pagkain sa fonts.
Hay salamat! May oras pa. Kasi ang grupo namin may problema. Wala pa kaming digicam na kakailanganin namin para sa paglalakbay. Para daw kasi maisasadokumento namin ang activity na iyon. Nag-isip kami kung sino ang maaring mahiraman ng kamera. Meron na sanang assigned para ditto pero hindi raw available ang camera na sana ay hihiramin niya. Kaya ngayon, ang buong grupo ang namomroblema. Biglang sumagip sa isip ko ang koreanong makatira sa dorm. “Oo nga pala! May kamera si Charles (Korean)!” Mabilis akong bumalik sa dorm. Talagang tinanggal ko ang hiya ko para lang makahiram ng kamera. Salamat sa Diyos at pumayag si Charles. Pero binalaan niya ako na huwag na huwag ko raw ipahiram o ipagamit sa iba ang kamera niya. Hulog ng langit talaga ang koreanong iyon sa amin!

Mabilis din ang pagbalik ko sa RHA2 kung saan magkikita-kita lahat ng grupo para sa isang orientation. Bago magsimula ang orientation, tiningnan namin an gaming mga gamit kung kumpleto. “Compass, CHECK! Map, CHECK! Tubig at pagkain, CHECK! Ruler, CHECK! Cell Phones, CHECK! Pera siyempre, CHECK!”
Lagpas na ng alas 9 nang makaumpisa ang orientation. Binigay na ni Prof. Leo ang sulat na nagsasaad kung tungkol saan at ano ang gagawin naming activity. Baka kasi may magreklamo o baka sitahin kami ng sinuman. Ipapakita lang namin ang sulat na yaon. Kinuha rin ni Prof ang mobile numbers ng mga lider sa bawat grupo para ma-update niya kung ano na ang mga nangyayari. At binigay na rin niya ang clues kung saan kami pupunta. Lumabas na ang lahat ng grupo sa room. Binasa muna namin ang mga instructions na binigay ni Prof. At saka pumunta sa unang destinasyon.
“Oooppzz!!! Guys, subukan muna natin ang kamera kung gumagana. Mas okay kung ditto pa lang malaman na natin kung may problema o wala.” At di nga gumana ang kamera namin. Bumalik naman ako ulit sa dorm para magpatulong. At natagalan pa ako doon kasi kahit nag may-ari ay di alam kung anong nangyayari kamera niya. Kinakabahan na ako. Korean pa naman ang salita na nakasulat sa kamera. Di ko naiintindihan. Ewan ko kung anong ginagawa niya sa kamera. Kung ano-ano na ang pinipipindot niya, ganun pa rin. At sa dami nang pinindot niya, isa lang naman pala ang diperensya. Naka-night mode ang kamera, e umagang umaga! Paano gagana? Hehehe!
At dumiretso kami sa unang pit stop. At dito nagsimula ang isang paglalakbay.