Alas tres na! Sumakay na kami ng Jaro CPU na jeep. Habang nakasakay kami sa jeep, panay pa rin ang kuha namin ng pictures. Ipopost daw nila sa friendster ang lahat ng photos na yun. Bumaba kami sa may Atrium at naglakad papunta sa Valeria Street para sumakay ng jeep na Villa. Ang saya namin kasi kami lang ang pasahero ng jeep. Nag-request kami kay manong driver na dumaan sa flyover. At dumaan nga kami! Yahoo!!! Ang saya!!! Kitang-kita namin si Oble at ang malaking bahagi ng Infante at West Avenue. Natapos ang sigawan nang makalabas na kami sa flyover. Ganun lang pala yun? Hehehe! Hindi naman kasi ganun kahaba ang flyover e!
Nadaanan namin ang John B. Laccon MIF. Bumaba kami sa may monumento mismo sa harap ng City High. Binasa namin ulit ang instruction. “This is a place west of UP Visayas Campus, approximately 300 meters and 15 minutes walk from the campus.” Minarkahan ni Prof. Leo ang aming mapa subalit naguguluhan kami kasi nga 1993 pa ang mapang hawak namin. Karamihan sa mga establishments na nakalagay sa mapa namin ay hindi na nag-iexist ngayon. Sinubukan naming kunin ang mga context clues na maaring nasa instructions. Ayon kasi sa binigay ni Prof: “Try to identify prominent Ilonggo Families that occupy the area.” Iniisip namin na talagang totoo at buhay na mga tao ang tinutukoy dito na pamilya. Ang ginawa namin, naglakad kami mula Iloilo City National High School papuntang BIR office para malaman kung saan talaga ang lugar na tinutukoy ni Prof. Umabot na kami sa ikalawang kanto. Nagtanong-tanong kami kung may kilala ang mga tao na mga sikat na pamilyang Ilonggo sa lugar na iyon. Sagot ng mga tinanong namin ay wala raw. Kaya mas lalo kaming naguluhan. Umupo muna kami sa isang waiting shed malapit dun at saka pinag-aralan muli ang mapa at ang mga instructions ni Prof. Nakakalito na talaga! Promise! Umalis sina Marra at James para tingnan muli ang area. Pumunta sila sa kabilang kanto kasi doon ay may naninirahang mga mayayaman tulad ng ‘Sy’, ‘Chui’ at ‘Chao’. Akala namin ay doon na talaga.
May narinig kami na sa Molo Cemetery daw ang area. Pero inisip namin: “Meron kayang pamilya na nakatira doon? We doubt. Sinundan namin sila doon. Pumasok kami sa isang barangay na hinihinalaan naming lugar na tinutukoy ni Prof. Nais sana naming magtanong sa Barangay Hall pero sarado ito. Hayun…! Nakatunganga naman kami doon. Pinag-aralan namin muli ang mapa. Wala ng ibang magawa ang iba kaya naglaro na lang sila sa isang playing ground. Ang iba naman ay namomroblema sa kung saan talaga kami pupunta! Tila kami ay nawawala. Kalahating oras na ang lumipas ay puro pa rin tunganga ang ginagawa namin. Nag-usap ang grupo kung ano ang maari nilang maipuna. Karamihan sa amin sumang-ayon na pumunta sa Molo Cemetery. Naglakad naman kami ulit pabalik doon. Ang init pa naman.
Alas 4 na! Grabe! Isang oras kaming walang ginawa kundi maglakad ang magtunganga. Ang laki ng nasayang na oras.
Pagdating namin sa lugar, may nagtitinda ng mga snacks may labasan. Pumasok kami sa loob. Saka lamang namin namalayan na tama ang pinuntahan namin. May mga sikat na pamilya nga doon. Halimbawa dito ay ang Layson, Ganzon, Locsin, Chiongson, Chiu, Treñas, Lazaro, Arcenas, Yap at Gan. Grabe ang mga libingan dito. Sosyal! May mukhang mansyon, simbahan, tower, palasyom at meron din namang ordinaryong puntod. May mga makukulay na puntod ―puti, bughaw, silver, ginto, marmol, itim at meron din namang punotd na hindi napintahan. Ang iba ay gawa sa semento, tiles, bakal, marmol at pebbles.
Kami ay gumawa ng survey para malaman ang average age ng mga okupante.
May nakita pa nga na isang nakalibing na ang nakalagay na birthdate ay February 3, 2002 tapos ang date of death ay February 4, 2002. Grabe! Isang araw matapos ang pagkasilang niya ay namatay agad. Tapos ang pinakamatanda na nakita namin ay 88 taong gulang.
Nilibot namin ang buong lugar. Medyo nag-iingat-ingat ang iba kasi takot sila sa sementeryo. Hehehe! Nag-ikot pa kami sa lugar. Namangha talaga kami sa mga disenyo ng bawat puntod. Lalo na sa puntod ng isang Intsik na si Gan Hon Siong na parang isang tower ang kanyang puntod kasama ng kanyang mag-ina. Astig!
Alas 4:30 eksakto nang natapos namin ang lahat. Bumili kami ng pagkain sa may labasan. Umupo nang sandali at nag-usap tungkol sa activity. At masayang umuwi sa aming mga tirahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento