Pages

Biyernes, Hulyo 11, 2008

Ikatlong Kabanata: “Ang Kinalimutang Daan ng Kasaysayan”

Pasado alas dose na nang makasakay kami jeep pabalik sa city proper. Na-curious kami sa paligid. Kasi feeling namin, dumikit lahat ng amoy ng dumpsite sa amin. Dali-daling kumuha si Rachel ng cologne. Pero hindi kami nagpahalata na galing kami sa isang tambakan ng basura. Pero alam namin na halatang-halata na… sa amoy pa lang. (it’s so nakakahiya!!!)

Isa na namang mahabang biyahe ang aming naranasan. Galing pa kami ng Mandurriao papunta sa pangatlong pit stop, ang Calle Real o mas kilala ngayon bilang JM Basa Street. Alas 12:20 na nang marating namin ang nasabing kalye. Pagdating na pagdating pa lang namin ay pagkain na ang hinahanap-hanap ng bawat isa. Kaya nagpasya kaming maghanap ng carenderia para masagot ang hinanaing ng aming mga tiyan. Naglakad kami… naglakad… at naglakad…. Ang hirap maghanap ng makakainan…na hindi mahal! At tinamad na kaming maghanap ng makakainan kaya kung ano ang unang makita, yun na!

Sa S’ Table Fastfood kami kumain. Grabe! Ang mamahal ng pagkain. Meron sanang ‘eat-all-you-can’ sa halagang Php 60 lang ngunit alas 2 pa ng hapon ang offer na iyon. Di na kami makapaghintay kasi gutom na gutom na talaga kami. Sina Marra, Ann at Dina ay nag meal talaga (with rice) at ang iba ay nag-snack lang. Patina-tinapay at softdrink lang. Medyo natagalan kami doon kasi pagod na talaga kaming lahat.. Hindi namin inaksaya ang oras na pwede kaming makaupo at makapagpahinga man lang.

Pasado ala una na ng nilisan namin ang fastfood na yun. Naglakad kami ulit pabalik sa lugar kung saan nagsisimula ang JM Basa (intersection ng Iznart at JM Basa). Nagpasya kaming hatiin ang grupo sa dalawa para sa magkabilaang daan.

Ang unang establisyemento na aming nakita doon ay ang Celso Ledesma Building na tinayo pa noong 1923. Iniisip namin kung ano kaya ang nasa building na ito noon. Kasi kung titingnan ngayon, pang-komersyo na ang building na ito. Dito makikita ang Vision Optical Clinic, Seven Seven Trading, The Commoner Inc., Main Textile at Central Shoe Emporium.

Ang sumunod na building ay walang pangalan pero natitiyak naming iyon ay matanda na kasi may nakasulat sa taas nito na ‘1927’. Kahit na titigan mo lang ang building ay malalaman at malalaman mo na kaagad na napakatagal na nito dito. Ang dami nang dumi sa mga pader. Parang napabayaan na. Dito makikita ang Center Shoe Palace, Sun Textile (tailoring) at Iloilo Shanghai Bazar (RTWs).
Ang sumunod naman na building ay ang Pilar Building. Dito makikita ang isang bahagi ng City Square, YT Commercial at Sam’s Shoes. Kung titingnan ang building, tila bago kasi malinis ang mga pader at parang bagong pintura. Pero kung papansinin natin ang disenyo nito, masasabi mo talagang napakatagal na ng building. Iba kasi talaga ang disenyo. Hindi pinoy!

Ang sumunod na building ay wala na namang pangalan. ‘1950-1951’ lamang ang nakasulat sa taas nito. Hindi kami makahula kung ano ang building na ito noon. Pero parang pang-komersyo na talaga ito noon pa. Wala lang. Feel lang namin. Dito natin makikita ang Huan Lun Commercial, BS Pawnshop and Jewelry, Beautex, Diamond Shopping Center, New OK Trading, Sambo Bazar, New Island Bazar, Ponciano’s Restaurant, Gem World Pawnshop, Henry Lhuiller Pawnshop, Western Union, Grace Pharmacy at MLhuiller.

Ang sumunod na building na halatang halata na talagang napakatagal na ay ang S. Villanueva Building. Kung titingnan, ang dami nang dumi sa pader nito at ang disenyo pa ay kakaiba. Astig! Ano kaya ito noon bago pa naging lunan pang-komersyo? Wala talaga kaming idea. Dito naman natin makikita ang Walking Iloilo Sales, Happy Bodega Sales, Otani Bazar at Zenna Mktg.

Ang sumunod na building ay hindi na tiyak kung ano ito noon kasi talagang wala nang bakas ng nakaraan liban lamang sa petsa ng pagkakatayo at ang disenyo. Ito na ngayon ang building na kinatatayuan ng New Central Bazar na itinayo noong 1936. Dito rin makikita ang Madia-as Trading and Bakery at Slim and Tall Fashion House.

Isa pang building na sa tingin namin ay matagal na matagal na ay hindi namin makilala dahil saw ala na itong bakas na nagsasabi kung kailan o kung ano ang pangalan ng building na ito. Sari-saring mga komersyal ang makikita rito. Kabilang na ang Hama Bazar, Iloilo Columbia Hardware, New Hong Chui Hardware, Negros Navigation Ticket Outlet, Sarabia Pawnshop and Jewelrya at ang New China Hardware.

Sumunod dito ang Hoskyn’s na itinayo yata ayon sa nakasulat sa mismong pader ng building ay 1877. Dito makikita ang Sam’s Shoes, Galerias de Comercio, Rose Pharmacy, Washington Supermarket, Mlhuiller at Queenbank.

Isa sa pinakatanyag na building ay ang Javellana Building na itinayo noong 1922. Napakaganda ng pagkakagawa nito. Tila palasyo kung tingnan ang building na ito, ang balance at ang disenyo. Dito makikita ang Sarabia Optical, S’ Table Restaurant and Bakety, Roberto’s Eatery, SM Mirasol Optical at ang Jollibee Fastfood.

Sunod naming nakita ang Atty. Jose & Solange V. Jamandre Bldg. # 1. Matanda na ring tingnan ang building na ito. Dito makikita ang Iloilo YCA-Dale Trading na nagbebenta ng School/Office Supplies at Hardwares.

Ang sumunod ay ang Cine na itinayo pa noong 1928. Halata naman na matanda na ang building na sa anyo nito at disenyo. Dito makikita natin ang Regent, LBC at saka Mang Inasal. Nahalata pa namin na dito sa lugar na ito ay isang sinehan noon. Pagdating namin ay kasalukuyang pinapalanas ang isang Rated-18 na pelikula, ang Tukso. Nagbiro ang isa sa amin na bakit hindi raw kami manood para mas meaningful ang acitivity. Hahaha!

Nahalata rin namin ang mga maliliit na konersyo sa gilid ng kalsada. May nagtitinda ng mga prutas, mani, magasin at tabloid, loading center at saka marami rin ang mga trisikad drivers ang nasa lugar.

Dineretso pa namin ang pinakadulo ng JM Basa. Nakita namin dito ang isang building na inokupa ng Commission on Audit at saka dito rin ang Iloilo City Hall noon. Pagkatapos, sa tapat lamang ng building na ito makikita ang William R. Bayani Bldg. kung saan natin makikita ang WB Plaza Internet.

Halos isang oras naming nilakad ang buong JM Basa. Masaya at malungkot siyempre.

Masaya kasi marami kaming natutunan tungkol sa isang yaman ng Iloilo. Kumukuha-kuha pa kami ng pictures. At talagang pumunta si James sa gitna ng daan para kunan ng litrato ang isang bahagi ng JM Basa. Panay ang tawanan namin! Picture dito, picture doon! Haaaay! Ang saya talaga!

Malungkot kami dahil sa mga natutunan naming iyon. Nasasayangan talaga kami sa mga ganitong bagay. Ang mga establesyementong ito ay isang napakalaking yaman ng Iloilo pero tingnan natin ngayon! Ano na? Sentro ng komersyo, industriya, at krimen! Dito laganap ang mga prostitutes, snatchers at mga hold-uppers. Pero kung pinalago sana ng lokal na pamahalaan ang lugar na ito at ginamit sa turismo, hindi lamang sila makikinabang kundi mapapanatili pa nila ang halaga ng mga ito, hindi sana magkakaganito. Heritage ito ng Iloilo. Dapat ingatan! Naalala pa namin ang ginibang building malapit sa San Jose Church noon. Nakakalungkot talaga. Haaayy….. :-( Ang epekto nga naman ng industriyalisasyon at modernisasyon…

Malungkot nga naming nilisan ang Calle Real. Sumakay kami ng jeep na Jaro CPU papunta na sa pang-apat na pit stop.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento