Alas 10:35 na ng umaga nang nakasakay na kami sa jeep sabay kaway kina James at Ruthchel na pabalik papuntang UP. Kami naman ay papunta sa pangalawang destinasyon kung saan kalunos-lunos ang kalagayan ng mga tao. Ang tinutukoy namin ay ang Mandurriano Dampsite.
Tila napakahaba na ng binabaybay ng jeep. Kasi halos lahat kami unang beses makapunta sa poblacion mismo ng Mandurriao. Nadaanan na namin ang malalaking bahay ng mga mayayaman… ang baro-barong bahay ng mga mahihirap… may umiihi pa nga sa mga pader at poste sa tabi ng daan. Nadaanan din namin ang Mandurriao Elementary School (siyempre walang tao kasi holiday ang araw na iyon). Bumaba kami sa Plaza Mandurriao. Naghanap agad kami ng reloading center kasi papaloadan namin ang celfon ni James para may komunikasyon kami sa kanila ni Ruthchel at kung ano na ang lagay ng kamera. Saka pa namin nalaman na pwede pala ang celfon ni Ruthchel kasi may Bluetooth yun.
Pagkatapos magpaload, nagdadalawan-isip pa kami kung kakain ba muna kami o hindi. Kasi naglalaro na sa isip namin kung ano ang dapat asahan sa aming pupuntahan. Sa huli, nagpasya kaming hindi muna kakain. Hindi dahil sa hindi kami gutom…Hindi rin dahil saw ala kaming tiwala sa pagkaing binibenta sa plaza… kundi wala kaming tiwala sa aming mga sarili kiung makakaya ba namin kung ano ang madaratnan namin sa lugar na kung masisikmura ba namin kung saka-sakali.
Sumakay kami ng tricycle. Marami kaming nadaraanang junk shops... ang mga parang kung saan kumakain ang mga baka at kambing. Maganda sana ang tanawin. Wala sanang bakas ng siyudad kung hindi lamang sa mga plastik na nagkalat sa malawak na damuhan. Kitang-kita ang kahirapan. Tagos sa puso ang kanilang mga tingin sa mga taong naka pink... mga batang madudumi at gupit-gupit ang mga damit… mapabata man o matanda, butas at manipis na ang mga tsinelas.
Mga alas 11 na ng umaga nang nakababa kami ng tricycle.
Hindi kami makapaniwala. Talagang hindi kami makapaniwala sa nakita namin. Mas malala pa sa inaasahan namin ang aming nakita. Ang mga gabundok na mga basurang iyon ay akala naming hanggang tv lang. Pero hindi e! Nandyan mismo sa harap namin! Nakita namin! Gabundok na mga basura na mas mataas pa sa Lozano Hall.
Nagdalawang-isip kami kung papasok mismo o hindi. Nagtanong-tanong kami sa mga tao sa paligid.. Napag-alaman naming 1985 pa nang unang tapunan ang area ng mga basura na galing pa mula Jaro hanggang Oton. Maraming truck ang pumapasok at lumalabas. Hindi lamang pala mga pampublikong truck ang pumapasok dito. Kasi kahit mga pribadong truck na nagbabayad ng Php 90/m³ ay pwedeng pumasok at magtapon ng basura. Kitang-kita rin ang mga batang masayang-masayang naglalaro sa mga nakabinbing traktura.
Pumasok kami. Sinubukang hindi takpan ang ilong bilang pagppakita ng paggalang sa mga taong andun… para magpakita ng pakikisama… para hind imaging iba. Pero wala rin e! Hindi namin kinaya. Habang pumapasok kami…. At habang pumupunta kami sa pinakaloob… mas lalong sumisidhi ang amoy… Tagos sa panyo… tagos sa tissue na nilagyan ng cologne.
Nakakalula ang bundok na iyon. Pero andoon sa tuktok ng bundok ang mga bata. Tinatayang nasa 4 hanggang 7 taong gulang ang edad ng mga bata na yun. Tumutulong sila sa pamumulot ngn basura para may maibigay sila na pambili ng bigas sa magulang nila. Gusto man daw pigilin ng administrasyon ang mga bata, hindi nila kayang ipagtabuyan ang mga batang namumulot ng mga basura para sa pamilya nila.
Nakausap namin sina Adrian, 16 na taon at tumigil na sa pag-aaral, at si Rose, 14 na taon at nasa ikalawang taon na sa hayskul. Ang buong dumpsite ay humigit-kumulang 37 ektarya ang lawak.
Ang pinakamaliit nila na kita sa isang araw ay Php 90. Mayroon ding pinatutupad na batas sa bawat namamasura kasi para ring ari-arian ang site kasi bawat isa/pamilya ay may kanya-kanyang teritoryo. Walang agawan! Isa lang ang ikinakaba nina Adrian at Rose. Ito ay ang paglilipat ng site sa administrasyon kasi may mga bagong batas. Una dito ay ang ID system kung saan ang mga walang ID ay pinagbabawal na pumasok sa site. At tanging 18 taon pataas ang maaring kumuha ng ID na ito.
Tinanong namin sila tungkol sa kalusugan. Kami ay umaasa na talagang magkakaroon sila ng malaking problema tungkol dito. Subalit mali pala kami. Wala silang ibang malalang sakit. Ang mga sakit nila ay parehas lang sa mga nararanasan ng mga taong hindi taga doon. Pawang lagnat, ubo at trangkaso lamang ang nararanasan nila.Pero kung titingnan, napakalaki ng posibilidad,na dapuan sila ng viral diseases at impeksyon dahil sa hindi pagiging malinis ng paligid.
Pabalik na sana kami sa labasan subalit nakita naming basa ang daand dinaanan namin kanina. Pumasok kasi ang tricycle mismo sa loob. Dinala kami ni Adrian sa isa pang daanan pabalik nang hindi dumadaan sa main gate. Yun ay ang daan sa gilid kung saan nakatayo ang mga baro-barong bahay. Dito nakatira ang halos lahat ng mga namumulot ng mga basura. Masikip ang daan.
Nagtext sa amin sina James at Ruthchel na dumating na daw sila. Hindi kami nagkasalubong kasi doon sila dumaan kung saan kami dumaan kanina.
Gaya rin nga ng inaasahan namin, nagulat sila lalo na si James kasi wala daw ganyan sa Zamboanga. Bumalik na naman kami kung saan kami dumaan kanina. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang kumuha ng pictures.
Alas 11:50 ng umaga nang nilisan namin ang dumpsite nang may mabigat na loob dala ng isang pagkamulat kung gaanu kami kaswerte ngayon. Kami ay mas lubos na na-touch sa binitiwang salita ni Adrian. “Indi ko guid pag-ibaylo ang lugar nga ni. At least diri, may pangabuhi kami.”
Isang napakalungkot na pangyayari ang aming nasaksihan. Ang buhay nga naman! Alam namin kung bakit andoon sila kasi doon sila masaya at nakuntento na sila sa kanilang buhay na binigay ng Diyos. At ito rin ay isang aral para sa lahat na dapat talagang kumilos para mabuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento