Pages

Biyernes, Hulyo 11, 2008

Ang Prologo: Limang Patak ng Luha( Isang Silip sa Iloilo City)

“Paghahanda”

Malapit nang mag alas 9 pero kakaunti pa rin ang dumating sa mga kagrupo ko. Nang araw kasi na iyon gaganapin ang isang ‘activity’ sa Social Science 26. Tinawag iyon na “Amazing Adventure” ni Prof. Leo, guro namin sa nasabing asignatura. Eksaktong alas 8:45 nang dumating sila. Ilang sandali rin ay dumating si Prof. Leo. Akala ko ay magsisimula na kaagad ang orientation para sa activity. Bibili pa pala si Prof ng pagkain sa fonts.

Hay salamat! May oras pa. Kasi ang grupo namin may problema. Wala pa kaming digicam na kakailanganin namin para sa paglalakbay. Para daw kasi maisasadokumento namin ang activity na iyon. Nag-isip kami kung sino ang maaring mahiraman ng kamera. Meron na sanang assigned para ditto pero hindi raw available ang camera na sana ay hihiramin niya. Kaya ngayon, ang buong grupo ang namomroblema. Biglang sumagip sa isip ko ang koreanong makatira sa dorm. “Oo nga pala! May kamera si Charles (Korean)!” Mabilis akong bumalik sa dorm. Talagang tinanggal ko ang hiya ko para lang makahiram ng kamera. Salamat sa Diyos at pumayag si Charles. Pero binalaan niya ako na huwag na huwag ko raw ipahiram o ipagamit sa iba ang kamera niya. Hulog ng langit talaga ang koreanong iyon sa amin!


Mabilis din ang pagbalik ko sa RHA2 kung saan magkikita-kita lahat ng grupo para sa isang orientation. Bago magsimula ang orientation, tiningnan namin an gaming mga gamit kung kumpleto. “Compass, CHECK! Map, CHECK! Tubig at pagkain, CHECK! Ruler, CHECK! Cell Phones, CHECK! Pera siyempre, CHECK!”

Lagpas na ng alas 9 nang makaumpisa ang orientation. Binigay na ni Prof. Leo ang sulat na nagsasaad kung tungkol saan at ano ang gagawin naming activity. Baka kasi may magreklamo o baka sitahin kami ng sinuman. Ipapakita lang namin ang sulat na yaon. Kinuha rin ni Prof ang mobile numbers ng mga lider sa bawat grupo para ma-update niya kung ano na ang mga nangyayari. At binigay na rin niya ang clues kung saan kami pupunta. Lumabas na ang lahat ng grupo sa room. Binasa muna namin ang mga instructions na binigay ni Prof. At saka pumunta sa unang destinasyon.

“Oooppzz!!! Guys, subukan muna natin ang kamera kung gumagana. Mas okay kung ditto pa lang malaman na natin kung may problema o wala.” At di nga gumana ang kamera namin. Bumalik naman ako ulit sa dorm para magpatulong. At natagalan pa ako doon kasi kahit nag may-ari ay di alam kung anong nangyayari kamera niya. Kinakabahan na ako. Korean pa naman ang salita na nakasulat sa kamera. Di ko naiintindihan. Ewan ko kung anong ginagawa niya sa kamera. Kung ano-ano na ang pinipipindot niya, ganun pa rin. At sa dami nang pinindot niya, isa lang naman pala ang diperensya. Naka-night mode ang kamera, e umagang umaga! Paano gagana? Hehehe!

At dumiretso kami sa unang pit stop. At dito nagsimula ang isang paglalakbay.

Unang Kabanata: “Buhay sa Ilalim ng Tulay”


Heto na kami nagmamartsa papunta sa una naming destinasyon. Ang Mandurriao Bridge ay nagkokonek sa Iloilo City Proper at Mandurriao. 9:27, eksaktong nasa labas na kami ng teritoryo ng UP Visayas… lakad… lakad… papicture… papicture…

Tawa lang kami nang tawa kasi pictorial pa rin habang tumatawid sa daan pero alam naming lahat na kinakabahan din naman ang bawat isa sa amin. Papalapit na kami nang papalapit… Paano kaya kung hindi nila kami tanggapin? Paano kung ipagtabuyan nila kami? O di kaya ay mahiya sila sa amin? Bahala na.

9:35 na nang narrating namin ang unang pit stop. Kitang-kita naming kung gaano kaputik sa ilalim ng tulay. Kita rin namin ang mga batang hindi lang nagtatampisaw. Sakay sila ng mga sakong laman ay styro at namangmangka, gamit nila ang kanilang tsinelas at mga tira-tirang karton bilang sagwan. Kitang-kita rin ang mga plastic na basura sa ilog. Pilipinong pilipino talaga!

Bumaba kami. Hindi naming inakalang may nakatira pala talaga sa ilalim ng nasabing tulay. Una, di namin agad nakita ang tao. Andun pala siya sa loob mismo ng bahay at naglalaba. Madilim sa loob at tila magigiba na nang umakyat kami. Napagdesisyonan naming hindi lahat ang umakyat kasi mahirap na. Baka kami pa ang makasira sa bahay nila. Nang tiningnan namin ang bahay, nahalata naming gawa ito sa tira-tirang kahoy at yero. Ang sahig naman ay ganun din. May kawayan at kung anu-ano pa para lang may magawang sahig. Maliit na ang bahay at napakasikip pa. Mas malaki pa yata ang sa kalahati ng isang kwarto sa dormitoryo sa bahay na yun.

Sa loob, nakita naming si Manang Flor na naglalaba. May pito siyang anak subalit ang kinikita niya sa pagtitinda malapit sa UPV ay sapat lamang para ibili nilang mag-iina ng bigas. Nagpapasalamat naman siya kasi kahit papaano ay walang nagkakasakit sa kanyang mga anak. Sariwa naman daw ang hangin at saka sanay naman daw sila sa lugar.

Bagaman sa mg salitang binitawan ni Manang Flor ay hindi namin maikukubli ang habag. Naitanong na lang namin kung bakit may mga taong sobra-sobra ang karangyaan sa buhay at narito naman ang mga taong sadlak sa kahirapan. Hindi namin akalaing ganito kami kaswerte sa buhay naming ito. At ang swerteng tinatamasa namin ngayon ay hindi dapat ipagsawalang bahala.

Kung ang bigas ang tanging maidudulot na kabuhayan ni Manang Flor, sa aw ang Diyos, may ulam na handog ilog. Sa aw ang Diyos ay nakakahuli pa sila ng isda sa ilog na hindi ilog. Kung titingnan natin, ang ‘Iloilo River’ ay ekstensyon lamang ng dagat. Ngunit nakakalungkot isipin na ang mga isdang ulam ng pamilya ni Manang Flor ay inu-uniti-unti na ng mga basura. Ngunit alam naman nating dahil sa kahirapan ng buhay, wala nang pagpipilian sina Manang Flor kundi ang manirahan sa ilalim ng tulay.

Habang kinakausap nina Dina, Marra at Rachel si Manang Flor at kumukuha ng pictures si James, ang iba ay panay ang tingin sa mga batang nagtatampisaw sa dagat. Tinitingnan-tingnan pa nila kung ano talaga ang nasa ilalim mismo ng tulay. Kasi para daw putik o bato.

Kung titingnang maigi ang lugar, walang kuryente at pahirapan ang pagkuha ng tubig. Ang mga tila tulay ay kakikitaan ng mga hindi makilalang shell organisms. Patuloy pa rin ang mga bata sa kanilang paglalangoy habang ang mga basura naman ay nasa paligid lamang mismo nila na lumulutang-lutang. Grabe ang tingin sa amin ng mga bata… para bang mga artista kami… Heto pa si James na pakuha-kuha ng pictures sa kanila. Yan tuloy.. Lumala ang hiyawan ng mga fans! (hehehehe).

Ngunit batid namin na sa likod ng ngiti ng mga bata ay isang luha na walang patid ang daloy. Bakas nito ang kalungkutan na nasa kanilang mga mukha. Isang kalungkutang natatakpan ng mga ilusyong ngiti.

Naalala tuloy namin ang sinabi ni Manang Flor. “Kung indi lang guid kami pigado, indi kami mag-istar di.”(Kung hindi lamang kami naghihirap, hindi kami titira dito.)

Alas 9:50 ng umaga… Nagpaalam na kami kina Mang Flor at pumunta kami sa kabilang dulo ng tulay. Martsa na naman… papicture-picture ulit.

Pagbaba namin, nadatnan namin ang isang nanay na naglalaba at tinutulungan ng kanyang tatlong gulang na anak. Buong akala talaga namin babae ang batang iyon. Kasi nga nakasuot pambabae siya.

Nakatayo lamang kami at nakikinig habang kausap ng manang ang dalawa sa aming kasamahan. (Bagamat pumayag siya na sabihin sa amin ang ang kanyang tunay na pangalan, nakiusap siyang hindi ito isulat sa aming paper).

Bagong lipat lamang ang pamilya nila sa lugar na iyon. Taga Tapaz sa Capiz talaga sila nakatira. Nabubuhay sila sa pagtitinda ni manang sa PAG-IBIG habang ang asawa naman niya ay nagtatrabaho sa Marina. Mahirap ang tubig sa ilalim ng tulay. Di Usapang tubig, buti naman daw at hindi umaapaw ang tubig sa tulay ayon kay manang. Maliit at masikip ang tinitirhan nila. Nagulat nga kami kasi sabi ni manang ay may nakatira pa daw sa dulo ng kanilang barong-barong.

Nang papunta pa lang kami, nakatawag na ng pansin ang mga basura na nag-uumapaw sa isang balsa. Malugod kaming nagpaalam at nagpasalamat. Pinuntahan namin ang mga taong malapit doon sa balsa ng mga basura. Ang saya ng kinaroroonan nila kasi nasa dagat mismo!

Dumaan pa kami sa isang tulay. Nakakatakot ang pagtulay namin doon. Lalong-lalo na si Iris kasi talagang takot na takot siya at nagpatawag pa ng ‘escort’ para tumulong sa kanya! Isa pa ang iniisip namin nang mga oras na iyon. Paano kung bumigay ang bangka? Eh di mababasa kaming lahat!

Kinausap namin ang mga tao doon. Napag-alaman naming mga coast guards pal ang John B. Lacson Maritime Institute Foundation ang umookupa sa bangkang iyon. Gumagawa sila ng net panghuli ng mga isda. Meron namong nagluluto. Inalok pa nga nila kami ng miryenda ngunit iyon ay aming tinanggihan sapagkat kalabisan na ang pagtanggap ng miryenda. Masarap sanang tanggapin na ang kanilang inaalok sa ibang pagkakataon. Pero lubos talaga ang aming pasasalamat na sila ay aming nakapanayam.

Napag-alaman din naming inumpisahan nila ang paglilinis sa ilog noong Marso 17, 2002. Mahigit 100 toneladang basura ang kanilang nakuha. Minsan pa nga raw may mga taong sakay ng sasakyan ang nagtatapon ng basura sa ilog . At napag-alaman pa namin na ang balsa pala ng mga basurang iyon ay galing pa raw sa may Molo Area.

Isa sa mga aksyon ng lokal na pamahalaan ay ang alisin ang mga taong naninirahan sa ilalim ng tulay. Hindi namin alam kung ano ang iisipin sa bagay na ito dahil hindi rin namin lubos maisip kung ano ang kahihinatnan ng mga taong naninirahansa ilalim ng tulay. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpaalam na rin kami.

Alas 10:21 na! Paalis na kami. Naunang tumulay si James kasi nga siya ang kumukuha ng mga litrato namin. Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi na naman gumagana ang kamera namin. Nalaman namin na lowbat na pala ito at kinakailangang i-charge muna. Panibagong problema na naman!

Tumigil kami at napaupo muna sa pag-iisip sa isa pang plano. Sa kakaupo namin, naabutan na kami ng kabilang grupo.

Napagkasunduan namin na bumalik si James kasama ang isa para ibalik ang kamera sa dorm. Babalik sila pagkatapos macharge ang baterya. Subalit iyon ay aabutin ng sampung oras.

Nainis talaga kaming lahat kasi hindi agad sinabi ni Ruthchel na may kamera pala ang celfon niya. Gggrrrr!!!! Di sana ay sama-sama kaming pumunta sa ikalawang pit stop.

Naisip namin na ang saya pala ng tanawin sa tulay. Ang ganda ng tubig sa tuwing sinasalamin nito ang sikat ng araw na tila kumukutikutitap gawa ng alon. Gayundin ang mapulang kulay nito sa tuwing paglubog ng araw na hindi mo aakalaing sa ilalim nito ay pamilyang sagad sa kahirapan, mga basura ng kaunlaran at mga taong pilit nagpapanatili nitong kagandahan.

Ikalawang Kabanata: “Buhay ay Bundok”

Alas 10:35 na ng umaga nang nakasakay na kami sa jeep sabay kaway kina James at Ruthchel na pabalik papuntang UP. Kami naman ay papunta sa pangalawang destinasyon kung saan kalunos-lunos ang kalagayan ng mga tao. Ang tinutukoy namin ay ang Mandurriano Dampsite.

Tila napakahaba na ng binabaybay ng jeep. Kasi halos lahat kami unang beses makapunta sa poblacion mismo ng Mandurriao. Nadaanan na namin ang malalaking bahay ng mga mayayaman… ang baro-barong bahay ng mga mahihirap… may umiihi pa nga sa mga pader at poste sa tabi ng daan. Nadaanan din namin ang Mandurriao Elementary School (siyempre walang tao kasi holiday ang araw na iyon). Bumaba kami sa Plaza Mandurriao. Naghanap agad kami ng reloading center kasi papaloadan namin ang celfon ni James para may komunikasyon kami sa kanila ni Ruthchel at kung ano na ang lagay ng kamera. Saka pa namin nalaman na pwede pala ang celfon ni Ruthchel kasi may Bluetooth yun.

Pagkatapos magpaload, nagdadalawan-isip pa kami kung kakain ba muna kami o hindi. Kasi naglalaro na sa isip namin kung ano ang dapat asahan sa aming pupuntahan. Sa huli, nagpasya kaming hindi muna kakain. Hindi dahil sa hindi kami gutom…Hindi rin dahil saw ala kaming tiwala sa pagkaing binibenta sa plaza… kundi wala kaming tiwala sa aming mga sarili kiung makakaya ba namin kung ano ang madaratnan namin sa lugar na kung masisikmura ba namin kung saka-sakali.

Sumakay kami ng tricycle. Marami kaming nadaraanang junk shops... ang mga parang kung saan kumakain ang mga baka at kambing. Maganda sana ang tanawin. Wala sanang bakas ng siyudad kung hindi lamang sa mga plastik na nagkalat sa malawak na damuhan. Kitang-kita ang kahirapan. Tagos sa puso ang kanilang mga tingin sa mga taong naka pink... mga batang madudumi at gupit-gupit ang mga damit… mapabata man o matanda, butas at manipis na ang mga tsinelas.

Mga alas 11 na ng umaga nang nakababa kami ng tricycle.

Hindi kami makapaniwala. Talagang hindi kami makapaniwala sa nakita namin. Mas malala pa sa inaasahan namin ang aming nakita. Ang mga gabundok na mga basurang iyon ay akala naming hanggang tv lang. Pero hindi e! Nandyan mismo sa harap namin! Nakita namin! Gabundok na mga basura na mas mataas pa sa Lozano Hall.

Nagdalawang-isip kami kung papasok mismo o hindi. Nagtanong-tanong kami sa mga tao sa paligid.. Napag-alaman naming 1985 pa nang unang tapunan ang area ng mga basura na galing pa mula Jaro hanggang Oton. Maraming truck ang pumapasok at lumalabas. Hindi lamang pala mga pampublikong truck ang pumapasok dito. Kasi kahit mga pribadong truck na nagbabayad ng Php 90/m³ ay pwedeng pumasok at magtapon ng basura. Kitang-kita rin ang mga batang masayang-masayang naglalaro sa mga nakabinbing traktura.

Pumasok kami. Sinubukang hindi takpan ang ilong bilang pagppakita ng paggalang sa mga taong andun… para magpakita ng pakikisama… para hind imaging iba. Pero wala rin e! Hindi namin kinaya. Habang pumapasok kami…. At habang pumupunta kami sa pinakaloob… mas lalong sumisidhi ang amoy… Tagos sa panyo… tagos sa tissue na nilagyan ng cologne.

Nakakalula ang bundok na iyon. Pero andoon sa tuktok ng bundok ang mga bata. Tinatayang nasa 4 hanggang 7 taong gulang ang edad ng mga bata na yun. Tumutulong sila sa pamumulot ngn basura para may maibigay sila na pambili ng bigas sa magulang nila. Gusto man daw pigilin ng administrasyon ang mga bata, hindi nila kayang ipagtabuyan ang mga batang namumulot ng mga basura para sa pamilya nila.

Nakausap namin sina Adrian, 16 na taon at tumigil na sa pag-aaral, at si Rose, 14 na taon at nasa ikalawang taon na sa hayskul. Ang buong dumpsite ay humigit-kumulang 37 ektarya ang lawak.
Ang pinakamaliit nila na kita sa isang araw ay Php 90. Mayroon ding pinatutupad na batas sa bawat namamasura kasi para ring ari-arian ang site kasi bawat isa/pamilya ay may kanya-kanyang teritoryo. Walang agawan! Isa lang ang ikinakaba nina Adrian at Rose. Ito ay ang paglilipat ng site sa administrasyon kasi may mga bagong batas. Una dito ay ang ID system kung saan ang mga walang ID ay pinagbabawal na pumasok sa site. At tanging 18 taon pataas ang maaring kumuha ng ID na ito.

Tinanong namin sila tungkol sa kalusugan. Kami ay umaasa na talagang magkakaroon sila ng malaking problema tungkol dito. Subalit mali pala kami. Wala silang ibang malalang sakit. Ang mga sakit nila ay parehas lang sa mga nararanasan ng mga taong hindi taga doon. Pawang lagnat, ubo at trangkaso lamang ang nararanasan nila.Pero kung titingnan, napakalaki ng posibilidad,na dapuan sila ng viral diseases at impeksyon dahil sa hindi pagiging malinis ng paligid.

Pabalik na sana kami sa labasan subalit nakita naming basa ang daand dinaanan namin kanina. Pumasok kasi ang tricycle mismo sa loob. Dinala kami ni Adrian sa isa pang daanan pabalik nang hindi dumadaan sa main gate. Yun ay ang daan sa gilid kung saan nakatayo ang mga baro-barong bahay. Dito nakatira ang halos lahat ng mga namumulot ng mga basura. Masikip ang daan.

Nagtext sa amin sina James at Ruthchel na dumating na daw sila. Hindi kami nagkasalubong kasi doon sila dumaan kung saan kami dumaan kanina.

Gaya rin nga ng inaasahan namin, nagulat sila lalo na si James kasi wala daw ganyan sa Zamboanga. Bumalik na naman kami kung saan kami dumaan kanina. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang kumuha ng pictures.

Alas 11:50 ng umaga nang nilisan namin ang dumpsite nang may mabigat na loob dala ng isang pagkamulat kung gaanu kami kaswerte ngayon. Kami ay mas lubos na na-touch sa binitiwang salita ni Adrian. “Indi ko guid pag-ibaylo ang lugar nga ni. At least diri, may pangabuhi kami.”

Isang napakalungkot na pangyayari ang aming nasaksihan. Ang buhay nga naman! Alam namin kung bakit andoon sila kasi doon sila masaya at nakuntento na sila sa kanilang buhay na binigay ng Diyos. At ito rin ay isang aral para sa lahat na dapat talagang kumilos para mabuhay.

Ikatlong Kabanata: “Ang Kinalimutang Daan ng Kasaysayan”

Pasado alas dose na nang makasakay kami jeep pabalik sa city proper. Na-curious kami sa paligid. Kasi feeling namin, dumikit lahat ng amoy ng dumpsite sa amin. Dali-daling kumuha si Rachel ng cologne. Pero hindi kami nagpahalata na galing kami sa isang tambakan ng basura. Pero alam namin na halatang-halata na… sa amoy pa lang. (it’s so nakakahiya!!!)

Isa na namang mahabang biyahe ang aming naranasan. Galing pa kami ng Mandurriao papunta sa pangatlong pit stop, ang Calle Real o mas kilala ngayon bilang JM Basa Street. Alas 12:20 na nang marating namin ang nasabing kalye. Pagdating na pagdating pa lang namin ay pagkain na ang hinahanap-hanap ng bawat isa. Kaya nagpasya kaming maghanap ng carenderia para masagot ang hinanaing ng aming mga tiyan. Naglakad kami… naglakad… at naglakad…. Ang hirap maghanap ng makakainan…na hindi mahal! At tinamad na kaming maghanap ng makakainan kaya kung ano ang unang makita, yun na!

Sa S’ Table Fastfood kami kumain. Grabe! Ang mamahal ng pagkain. Meron sanang ‘eat-all-you-can’ sa halagang Php 60 lang ngunit alas 2 pa ng hapon ang offer na iyon. Di na kami makapaghintay kasi gutom na gutom na talaga kami. Sina Marra, Ann at Dina ay nag meal talaga (with rice) at ang iba ay nag-snack lang. Patina-tinapay at softdrink lang. Medyo natagalan kami doon kasi pagod na talaga kaming lahat.. Hindi namin inaksaya ang oras na pwede kaming makaupo at makapagpahinga man lang.

Pasado ala una na ng nilisan namin ang fastfood na yun. Naglakad kami ulit pabalik sa lugar kung saan nagsisimula ang JM Basa (intersection ng Iznart at JM Basa). Nagpasya kaming hatiin ang grupo sa dalawa para sa magkabilaang daan.

Ang unang establisyemento na aming nakita doon ay ang Celso Ledesma Building na tinayo pa noong 1923. Iniisip namin kung ano kaya ang nasa building na ito noon. Kasi kung titingnan ngayon, pang-komersyo na ang building na ito. Dito makikita ang Vision Optical Clinic, Seven Seven Trading, The Commoner Inc., Main Textile at Central Shoe Emporium.

Ang sumunod na building ay walang pangalan pero natitiyak naming iyon ay matanda na kasi may nakasulat sa taas nito na ‘1927’. Kahit na titigan mo lang ang building ay malalaman at malalaman mo na kaagad na napakatagal na nito dito. Ang dami nang dumi sa mga pader. Parang napabayaan na. Dito makikita ang Center Shoe Palace, Sun Textile (tailoring) at Iloilo Shanghai Bazar (RTWs).
Ang sumunod naman na building ay ang Pilar Building. Dito makikita ang isang bahagi ng City Square, YT Commercial at Sam’s Shoes. Kung titingnan ang building, tila bago kasi malinis ang mga pader at parang bagong pintura. Pero kung papansinin natin ang disenyo nito, masasabi mo talagang napakatagal na ng building. Iba kasi talaga ang disenyo. Hindi pinoy!

Ang sumunod na building ay wala na namang pangalan. ‘1950-1951’ lamang ang nakasulat sa taas nito. Hindi kami makahula kung ano ang building na ito noon. Pero parang pang-komersyo na talaga ito noon pa. Wala lang. Feel lang namin. Dito natin makikita ang Huan Lun Commercial, BS Pawnshop and Jewelry, Beautex, Diamond Shopping Center, New OK Trading, Sambo Bazar, New Island Bazar, Ponciano’s Restaurant, Gem World Pawnshop, Henry Lhuiller Pawnshop, Western Union, Grace Pharmacy at MLhuiller.

Ang sumunod na building na halatang halata na talagang napakatagal na ay ang S. Villanueva Building. Kung titingnan, ang dami nang dumi sa pader nito at ang disenyo pa ay kakaiba. Astig! Ano kaya ito noon bago pa naging lunan pang-komersyo? Wala talaga kaming idea. Dito naman natin makikita ang Walking Iloilo Sales, Happy Bodega Sales, Otani Bazar at Zenna Mktg.

Ang sumunod na building ay hindi na tiyak kung ano ito noon kasi talagang wala nang bakas ng nakaraan liban lamang sa petsa ng pagkakatayo at ang disenyo. Ito na ngayon ang building na kinatatayuan ng New Central Bazar na itinayo noong 1936. Dito rin makikita ang Madia-as Trading and Bakery at Slim and Tall Fashion House.

Isa pang building na sa tingin namin ay matagal na matagal na ay hindi namin makilala dahil saw ala na itong bakas na nagsasabi kung kailan o kung ano ang pangalan ng building na ito. Sari-saring mga komersyal ang makikita rito. Kabilang na ang Hama Bazar, Iloilo Columbia Hardware, New Hong Chui Hardware, Negros Navigation Ticket Outlet, Sarabia Pawnshop and Jewelrya at ang New China Hardware.

Sumunod dito ang Hoskyn’s na itinayo yata ayon sa nakasulat sa mismong pader ng building ay 1877. Dito makikita ang Sam’s Shoes, Galerias de Comercio, Rose Pharmacy, Washington Supermarket, Mlhuiller at Queenbank.

Isa sa pinakatanyag na building ay ang Javellana Building na itinayo noong 1922. Napakaganda ng pagkakagawa nito. Tila palasyo kung tingnan ang building na ito, ang balance at ang disenyo. Dito makikita ang Sarabia Optical, S’ Table Restaurant and Bakety, Roberto’s Eatery, SM Mirasol Optical at ang Jollibee Fastfood.

Sunod naming nakita ang Atty. Jose & Solange V. Jamandre Bldg. # 1. Matanda na ring tingnan ang building na ito. Dito makikita ang Iloilo YCA-Dale Trading na nagbebenta ng School/Office Supplies at Hardwares.

Ang sumunod ay ang Cine na itinayo pa noong 1928. Halata naman na matanda na ang building na sa anyo nito at disenyo. Dito makikita natin ang Regent, LBC at saka Mang Inasal. Nahalata pa namin na dito sa lugar na ito ay isang sinehan noon. Pagdating namin ay kasalukuyang pinapalanas ang isang Rated-18 na pelikula, ang Tukso. Nagbiro ang isa sa amin na bakit hindi raw kami manood para mas meaningful ang acitivity. Hahaha!

Nahalata rin namin ang mga maliliit na konersyo sa gilid ng kalsada. May nagtitinda ng mga prutas, mani, magasin at tabloid, loading center at saka marami rin ang mga trisikad drivers ang nasa lugar.

Dineretso pa namin ang pinakadulo ng JM Basa. Nakita namin dito ang isang building na inokupa ng Commission on Audit at saka dito rin ang Iloilo City Hall noon. Pagkatapos, sa tapat lamang ng building na ito makikita ang William R. Bayani Bldg. kung saan natin makikita ang WB Plaza Internet.

Halos isang oras naming nilakad ang buong JM Basa. Masaya at malungkot siyempre.

Masaya kasi marami kaming natutunan tungkol sa isang yaman ng Iloilo. Kumukuha-kuha pa kami ng pictures. At talagang pumunta si James sa gitna ng daan para kunan ng litrato ang isang bahagi ng JM Basa. Panay ang tawanan namin! Picture dito, picture doon! Haaaay! Ang saya talaga!

Malungkot kami dahil sa mga natutunan naming iyon. Nasasayangan talaga kami sa mga ganitong bagay. Ang mga establesyementong ito ay isang napakalaking yaman ng Iloilo pero tingnan natin ngayon! Ano na? Sentro ng komersyo, industriya, at krimen! Dito laganap ang mga prostitutes, snatchers at mga hold-uppers. Pero kung pinalago sana ng lokal na pamahalaan ang lugar na ito at ginamit sa turismo, hindi lamang sila makikinabang kundi mapapanatili pa nila ang halaga ng mga ito, hindi sana magkakaganito. Heritage ito ng Iloilo. Dapat ingatan! Naalala pa namin ang ginibang building malapit sa San Jose Church noon. Nakakalungkot talaga. Haaayy….. :-( Ang epekto nga naman ng industriyalisasyon at modernisasyon…

Malungkot nga naming nilisan ang Calle Real. Sumakay kami ng jeep na Jaro CPU papunta na sa pang-apat na pit stop.

Ika-apat na Kabanata: “Ang Nawawalang Ngiti”

Pasado na alas dos ng hapon nang dumating kami sa lugar kung saan natin makikita ang
talagang puno ng Iloilo River. Nagkagulo kami. Kasi sabi sa instruction: “Objective 5 is on the west bank of the opening of Iloilo River facing Guimaras.” Nalito kami kasi sabi ni Prof ay hindi na raw gagamit ng kompas. Kung babasahin natin ang instruction, kanluran daw na nakaharap sa isla ng Guimaras. Ang kanluran na aming nakita ay ang International Port. Sabi rin kasi sa instructions na tinutukoy na lugar madalas magpiknik ang magkapamilya. Imposible naman sa pier. Naisip namin ang Rotary Park. Hmmmppp.. posible… kaya lang… medyo malayo ang parke sa ilog. Hindi naman nakasaad dito kung gaano kalayo. Nagpasya kaming i-text Prof. Nagreply naman siya at sabi niya, Rotary Park nga.

Iyon! Dumiretso na kami doon. Pagpasok namin sa lugar , hindi rin namin inaasahan ang aming nakita. Parke ba ito? Hindi halata! Pinasok pa namin lalo ang lugar. Doon sinalubong kami ng isang batang lalaki. Siya si JR. Dito na siya lumaki sa parke. Kinuwento namin sa kanya na ang lugar na ito ay dating pasyalan ng mga pamilya. Dito sila nagpipiknik at nagsasaya. Pero ang mga bagay na ito ay alam ni JR. Kinuwento rin niya sa amin kung anu-ano ang mga naging pagbabago sa lugar sa pagdaan ng panahon.

Oo. Isa pa ring pasyalan hanggang ngayon ang Rotary Park pero hindi ganun kasaya tulad ng dati. Madalang na lang ang pagdating ng mga magpipiknik. Meron pa nga raw tuwing Sabado at Linggo pero hindi na ganun kadami.

Laganap na rin daw sa lugar na iyon ang iba’t-ibang scandals at krimen ―sex, mga lasenggo, away sa lupa at mga rugby boys.

Malaki nga raw ang naging pagbabago sa lugar na iyon. Masaya sila kasi naging tirahan nila ang lupang kinatitirikan ng parke. Subalit nakakalungkot pa rin dahil unti-unti nang nawawala ang pagpapahalaga na dapat ipakita para sa lugar na tulad ng Rotary Park kasi ito ay naging bahagi ng kasaysayan. Mas magiging may silbi pa sana ito kung pinalago at ginamit ng tao. Dito sana sa lugar na ito magkakaroon ng ibang kasiyahan tulad ng dati. Malamig na simoy ng hangin… Magandang tanawin ng dagat at isla ng Guimaras… Tahimik na paligid… Subalit ang mga ito ay nawalan na ng silbi… Sayang… Ang ngiti na sana ay magbabalot ng saya sa bawat isa… Ang ngiti na nagpapaalis ng gulo at away… Ang ngiti na ang dulot ay pag-ibig…. Ngayon… wala na….

Kailan kaya maibabalik ang mga ito? Kailan ulit makikita ang ngiti sa lugar na iyon? Ang mga halakhak? Tawanan? Pagmamahalan? Kailan kaya?

Nagpasalamat na kami at umalis dala ang malulungkot na katotohanan. Nahalata namin. Bakit puro malulungkot na mga bagay ang aming baon sa bawat pit stop na amin napupuntahan? Hhmmpp… Sumakay na kami ulit ng jeep papunta sa huling pit stop.

Ikalimang Kabanata: "Kung Saan Pumatak ang Luha”

Alas tres na! Sumakay na kami ng Jaro CPU na jeep. Habang nakasakay kami sa jeep, panay pa rin ang kuha namin ng pictures. Ipopost daw nila sa friendster ang lahat ng photos na yun. Bumaba kami sa may Atrium at naglakad papunta sa Valeria Street para sumakay ng jeep na Villa. Ang saya namin kasi kami lang ang pasahero ng jeep. Nag-request kami kay manong driver na dumaan sa flyover. At dumaan nga kami! Yahoo!!! Ang saya!!! Kitang-kita namin si Oble at ang malaking bahagi ng Infante at West Avenue. Natapos ang sigawan nang makalabas na kami sa flyover. Ganun lang pala yun? Hehehe! Hindi naman kasi ganun kahaba ang flyover e!

Nadaanan namin ang John B. Laccon MIF. Bumaba kami sa may monumento mismo sa harap ng City High. Binasa namin ulit ang instruction. “This is a place west of UP Visayas Campus, approximately 300 meters and 15 minutes walk from the campus.” Minarkahan ni Prof. Leo ang aming mapa subalit naguguluhan kami kasi nga 1993 pa ang mapang hawak namin. Karamihan sa mga establishments na nakalagay sa mapa namin ay hindi na nag-iexist ngayon. Sinubukan naming kunin ang mga context clues na maaring nasa instructions. Ayon kasi sa binigay ni Prof: “Try to identify prominent Ilonggo Families that occupy the area.” Iniisip namin na talagang totoo at buhay na mga tao ang tinutukoy dito na pamilya. Ang ginawa namin, naglakad kami mula Iloilo City National High School papuntang BIR office para malaman kung saan talaga ang lugar na tinutukoy ni Prof. Umabot na kami sa ikalawang kanto. Nagtanong-tanong kami kung may kilala ang mga tao na mga sikat na pamilyang Ilonggo sa lugar na iyon. Sagot ng mga tinanong namin ay wala raw. Kaya mas lalo kaming naguluhan. Umupo muna kami sa isang waiting shed malapit dun at saka pinag-aralan muli ang mapa at ang mga instructions ni Prof. Nakakalito na talaga! Promise! Umalis sina Marra at James para tingnan muli ang area. Pumunta sila sa kabilang kanto kasi doon ay may naninirahang mga mayayaman tulad ng ‘Sy’, ‘Chui’ at ‘Chao’. Akala namin ay doon na talaga.

May narinig kami na sa Molo Cemetery daw ang area. Pero inisip namin: “Meron kayang pamilya na nakatira doon? We doubt. Sinundan namin sila doon. Pumasok kami sa isang barangay na hinihinalaan naming lugar na tinutukoy ni Prof. Nais sana naming magtanong sa Barangay Hall pero sarado ito. Hayun…! Nakatunganga naman kami doon. Pinag-aralan namin muli ang mapa. Wala ng ibang magawa ang iba kaya naglaro na lang sila sa isang playing ground. Ang iba naman ay namomroblema sa kung saan talaga kami pupunta! Tila kami ay nawawala. Kalahating oras na ang lumipas ay puro pa rin tunganga ang ginagawa namin. Nag-usap ang grupo kung ano ang maari nilang maipuna. Karamihan sa amin sumang-ayon na pumunta sa Molo Cemetery. Naglakad naman kami ulit pabalik doon. Ang init pa naman.

Alas 4 na! Grabe! Isang oras kaming walang ginawa kundi maglakad ang magtunganga. Ang laki ng nasayang na oras.


Pagdating namin sa lugar, may nagtitinda ng mga snacks may labasan. Pumasok kami sa loob. Saka lamang namin namalayan na tama ang pinuntahan namin. May mga sikat na pamilya nga doon. Halimbawa dito ay ang Layson, Ganzon, Locsin, Chiongson, Chiu, TreƱas, Lazaro, Arcenas, Yap at Gan. Grabe ang mga libingan dito. Sosyal! May mukhang mansyon, simbahan, tower, palasyom at meron din namang ordinaryong puntod. May mga makukulay na puntod ―puti, bughaw, silver, ginto, marmol, itim at meron din namang punotd na hindi napintahan. Ang iba ay gawa sa semento, tiles, bakal, marmol at pebbles.

Kami ay gumawa ng survey para malaman ang average age ng mga okupante.

May nakita pa nga na isang nakalibing na ang nakalagay na birthdate ay February 3, 2002 tapos ang date of death ay February 4, 2002. Grabe! Isang araw matapos ang pagkasilang niya ay namatay agad. Tapos ang pinakamatanda na nakita namin ay 88 taong gulang.

Nilibot namin ang buong lugar. Medyo nag-iingat-ingat ang iba kasi takot sila sa sementeryo. Hehehe! Nag-ikot pa kami sa lugar. Namangha talaga kami sa mga disenyo ng bawat puntod. Lalo na sa puntod ng isang Intsik na si Gan Hon Siong na parang isang tower ang kanyang puntod kasama ng kanyang mag-ina. Astig!

Alas 4:30 eksakto nang natapos namin ang lahat. Bumili kami ng pagkain sa may labasan. Umupo nang sandali at nag-usap tungkol sa activity. At masayang umuwi sa aming mga tirahan.

Huling Kabanata: Balon sa Isang Paglalakbay



Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip namin kung ano talaga ang malalim na kahulugan ng aming paglalakbay na iyon. Kasi para sa amin, hindi lamang ito basta isang activity para matuto at masubukan ang kaalaman namin sa pagbabasa ng mapa. May mas malalim pa dito.

Nahahalata lang namin na halos lahat ng pinuntahan naming lugar ay puro pugad ng kalungkutan at dalamhati. Ang tulay, dumpsite, calle real, Rotary Park at sementeryo ay puno ng sakit at lungkot. Ito ay aming nabatid habang ginagawa ang paglalakbay.

Ang tulay na nagsilbing pugad ng mga mahihirap tulad ni Manang Flor ay nagsilbi ring saksi sa bawat luha na pumapatak. Sa gabing madilim at maulan, tanging tulay lamang ang nagsisilbing proteksyon sa malamig na kapaligiran. Lubhang kahabag-habag.

Ang dumpsite na nagsilbing yaman ng mga taong namumulot ng basura ay nagsilbi ring saksi sa bawat pagsisikap ng tao para mabuhay. Ang bawat butil ng bigas na kanilang kinakain ay galing sa makaperwisyong mga basura. Basura ang naging buhay ng mga taong ito. Basura ang nag-iisang taga salok ng pawis ng pagsusumikap upang mabuhay.

Ang Calle Real na nagsilbing tahanan ng kayamanan at kasaysayan ay nagsilbi rin na libingan ng kayamanan at kasaysayang ito. Ang kalye na naghahanap ng pagpapahalaga mula sa mga taong may hawak sa kanya na sana ay mabuhay muli ang nailibing na kayamanan at kasaysayan. Naway dinggin ang tawag nito, ang pag-iyak na dulot ng pagbabagong pantao.

Ang parkeng naging saksi sa kaligayahan ng bawat pamilya ay naging saksi rin sa mga krimen at gulo. Ang silakbo nito para sa isang pagbabalik naway bigyang-pansin. Ibalik ang ngiti at luha ngayon ay isantabi.

Naging simbolo na ang sementeryo ng isang pagtatapos at isang bagong simula. Maaaring ang pagtatapos na ito ay magdulot ng kalungkutan at hindi katanggap-tanggap na simula. Aming napagtanto na hindi lamang ito isa basta-bastang paglalakbay lamang. Kasi para sa amin, ito ay pagmumulat sa kung ano ang tunay na mukha ng kalungkutan. Kami ay naging saksi sa isang sitwasyon kung saan ipinakita sa amin ang katotohanan na maari naming gamitin upang kami sa aming sarili ay may magagawa upang mawala ang limang patak ng luha.
-End-

Friends or not

Sa grupo namon, I consider somebody as the “closest” among them. He was my greatest competitor in the valedictory race. Apang prinsipyo ko guid nga indi ko pagbutangan sang pakig-kompetensya ang akon pag-eskwela. Ngaa mas close ako sa iya bangod kay siya pirme ko upod sa sa mga exams kag mga contest. Gabuligay guid kami nga duha sa halos tanan na guid bala haw. Daw utod na gain ang pagtrato ko sa iya.

Apang sang ika-18 sang Disyembre, tuig 2006, mga 1:23 sang hapon, gaobra ako sang assignment namon sa Math. Mahulam siya tani kanakon calcu bala apang ginausar ko na sina nga time bal an. Ti indi ko guid mapahulam sa iya ang calcu. Apang gin-forced ya kuha kanakon. Pero wala niya japon nakuha sa akon. Nangakig tana kanakon. Siling ya, “Dalo dyud kaayo ka James!!! Salig ka kay bright ka sa Math!” (Dalok guid ka James katama!!! Salig timo kay alam timo sa Math!).

Nakibot takon. Tsakto guid bala nabatian ko? Hibi guid ko ya. Hindi siya marunong tumingin ng utang na loob. Daw ginakalimtan niya ang nagligad.

Hambal niya dalok ako. Ginpamangkot ko kaugalingon ko. Sang san-o ako gadinalok sa iya? Daw wara man takon may nadumduman nga gadinalok ako. Kung isabat niya ang natabo sa about sa calculator, ti di bala ginausar ko to?

Nahimo nga masubo ang akon nga Pasko bangod sang natabo nga to. I was alone in my room during the Christmas Eve…crying and samtang natabo ina, may nag obra ako sang isa ka poem. Wala guid ako nag gwa sa room maskin nag abot na guid ang adlaw sang Pasko.

Sina nga time, ginapanumdum ko ang mga natabo. I remember the time that I took my first step sa high school…alone in the corner of a room…alone…

And here I am again.

Adlaw-adlaw ko ginahambal sang iban nga ini nga mga persona mga friends ko ni sila. Apang, adlaw-adlaw ko man ginapamangkot ang kaugalingon ko sang sini: “Huo, they are my friends. Am I there friend?”

Wala na guid ko gapati sa saying nga “No man is an island.” Bangod ina sang mga nangalatabo sa kabuhi ko. I believe now that there is a man that is an island. And so I belong. Sang nagligad gani nabuhi ako nga wala guid nagapangayo sang bulig sang iban. Indi mo ko mabasol sa akon nga prinsipyo. Mapakta ko man nga kung ikaw ara sa sitwasyon ko, amo man balatyagan mo.

Ti pamankoton ko ikaw. Was there (ukon ‘is there’?) a point in your life nga ginpamangkot mo ang imo nga kaugalingon nga “Am I there friend?”. Kung sabat mo is yes, how sure are you?

Ako ya, pirme ko lang guid ini ginapangkot sa self ko. Kag isa lang sabat ko sina.:

Am I their friend or not?

I their friend or not?

Their friend or not?

Friend or not?

Or not?
Not!!!

Alone… again…

Noong nasa high school ako, wala talaga akong kaibigan. Even if classmates ko pa rin ang mga classmates ko sa elementary, feeling ko, I am alone inside the room. Kunbaga, they have their own worlds. What I did was to make my own world too. Gapahigad kag gahipos ato sa higad.

May oras din namang kasama ako sa grupo (tuwing may group activities sa classroom)… pero… OP guid ko ya sang time nga gaupdanay kami. Yara ko upod nila apang daw ginadedma guid ko nila bala haw. I really strive para kahit papano I could feel that I belong.

Lumipas ang ilang panahon, I saw my high school life change. Indi na guid bala parehas sang nagligad nga wala ko nila ginasapak. This time, upod na kami gakinadlawanay… Kadlaw ja…kadlaw to…kadlaw bisan diin. (daw mga buang buang bala haw).

We planned to take the UPCAT sa Zamboanga City last August 2006. It was Saturday and Sunday. Ako ang kinamanghuran sa amon apang ako ang ginhimo nila nga daw amay bala samtang ara kami sa city. Ako ang taga-budget, taga-luto…basta paminsara na lang bala ang ginaobra kang amay.

Sabado sang gabii, I received an SMS from my Filipino teacher. Siling ya nga may ara daw Division level competition for Filipino literature (in line with the ‘Buwan ng Wika’ Celebration). Ti kay ako ang napilian as representative from our school. Hambal ya dapat mapuli ako ASAP ka yang contest will be sa Monday. Ti kay sa Dominggo sang aga ang akon exam. Kag lain pa guid pamatyag ko ina nga time. So I refused. But during sa exam ko, ang duha sa akon nga upod gin txt nila ang teacher ko nga buhaton guid nila ang tanan para mapasugot ako nga maattend sang ina nga contest. Pero sabat kang teacher ko, “Ayoko ko na sa mga taong hard-to-get.” Wala man na-erase sang mga friends ko ang sabat kang teacher ko. Ti nabasahan ko mu. Gaugot guid ko ya katama sa iya. Ginsabat ko siya kag nagpadayun ang amon nga away sa text.

, Sang pagbalik namon sa Martes. Ginpatawag kami sa opisina sang prinsipal. Didto kami nagkit-anay sang teacher ko. Gahabuyanay kami sang mga makapilas nga mga words. Ginhambal ko ang sa akon nga parte. Sina nga time, ako ang ginbasol sang tanan.

Apang sa tanan nga pagbasol nga akon nga ginabaton sina nga time, ang akon lang guid nga ginapangasubuan ay ang wala pagbulig kanakon sang akon nga mga friends. Sina nga time, ara ko liwat sa higad…wala sang upod… gapangasubo kag gahibi…Again, I didn’t feel that I belong. I made my own world again...alone…

Pero ginapilit ko kaugalingon ko nga kalimtan ang mga ini...

Sailing by the Flowing River (to feel more than to think) :A reflection to 'Like the Flowing River' by Paulo Coehlo & 'Blink' by Malcolm Gladwell


Prologue

It was Friday afternoon when we received the books from the office for us to read and make a reaction paper out of it. At first, I just felt that difficulty in reading when I try to scan the books because I was badly exhausted that time. I haven't take a sleep yet last night. I was making our paper in Social Science 26 from 9 pm till 10 in the morning the other day. I don't have rest, even a single nap. The worst is, I have many final examinations that day: Social Science 2 at 10:30am-12:30pm and Trigonometry at 2:30pm-4:30pm, and a final presentation in Social Science 26 at 1 pm.

It was a hell day, indeed. I asked myself: “How can I make a paper in my situation now? I haven't buy an eyeglass yet.”

'Like the Flowing River' by Paulo Coehlo seems interesting to me, especially when I saw at the lower part of the cover page “Thoughts and Reflections”. I really love to read inspiring novels and stories. Though I am not so familiar with the author, the title of its work itself successfully caught my interest and attention.

Also, “Blink” by Malcolm Gladwell started the existence of curiosity in my mind because of it's tag line that goes “The Power of Thinking Without Thinking”. Very weird indeed that is why I am very eager to read it and understand at the same time what the author wants us to know.
I looked like drunk when I left the office-very cute sleepless eyes and I was dizzy also that time. Buhay Estudyante as what people were saying.

I was vey excited to read the books given. So, that night, I started reading the book of Coehlo. I am really impressed of the stories presented in the book. Inspiring. And I wrote my reflections using the tip of my pen. And, the story continues...

Flying Others Kite


I was greatly touched by the starting words of the preface of story. It goes: “When I was fifteen…I’ve discovered my vocation. I want to be a writer.”

I was also like that before (even on my elementary days). I really want to be a broadcaster… a writer… a JOURNALIST. That is my vocation. However, my parents have been telling me not to take it because they are afraid of the journalist slaying issues that have been happening since before.

My eagerness to pursue my dreams became more and even more stronger than before. Especially that my adviser in Grade 6 introduced me to the schools press conference in our province. There I was molded into a more dedicated person. I am really seeing myself in the field of journalism.

I carried this dedication till my high school. I was the editor-in-chief of our school’s official publication, ‘The Flame’, for two consecutive years. I made this not just for leisure, but I made this as my life. I can’t take away myself from writing.

But considering my parents’ explanations, that taking that course is not a practical way. I also thought of that. Being a journalist won’t earn a lot compared to being an accountant. Yes, ACCOUNTANT. That is what they want me to be. And that is what I don’t think of being one someday.

Starting my third year in high school, we had an everyday (not really everyday!) talk with my parents about my college education. That time, my decision of taking Journalism or Broadcast Communication is indeed invincible before I learned that I passed UPCAT. After the release of the result of UPCAT 2007, I am still with my decisions. But unfortunately, I was accepted in the BS in Accountancy program of UP Visayas. That time, I also passed the WMSU-CET (Western Mindanao State University College Entrance Test) and MSU-SASE (Mindanao State University Student Admission and Scholarship Examination). All of these schools have very great opportunity for me.

WMSU has very low tuition fee and, the good thing is, it is only five hours away from home. Moreover, the College of Chemistry offered me subsidy for all fees with semestral subsidy. And so the MSU offers the same.
However, I cannot shun thinking I passed UPCAT. I always take note to that. I PASSED UPCAT. I PASSED UPCAT. I PASSED UPCAT. And that is indeed a blessing from heaven.

We had somewhat an agreement with my parents. Because they really wanted me to study not from afar, they said that I will be studying at WMSU. However, this is of full contrary to my decisions. I will not just snub the opportunity given by UP not just to me, but for me but for my whole family as well.

“But Iloilo is too far James! And the transportation in going there costs too much. Think of that! Where will we get money for your fair there of almost Php 2000 compared in going to Zamboanga (WMSU) which is only Php 300? Think about it!” These are the words I always hear from my mother every time we talk about my plans of gong to Iloilo.

So we have decided. We had to options: 1] WMSU but Mass Communication 2] UP Visayas but Accountancy. I will study at WMSU but pursuing my vocation; or I will take my parents’ choice of course for me but at my chosen university. (What a demanding son I am!)

My parents, again, said that they will not allow me to take journalism or other related courses but they also thought about my fare in going to Iloilo. I simply said “Borrow money from other people. I will be the one to pay for it. When I will arrive there, I will look for ways to earn money. Because this is my decision, I will be the one to suffer the consequences in going there.”

They were surprised when I they heard those words. They hugged me and said that “You are our son. We shall never forsake you. Don’t worry. We are here to support you.”

Even though they said that, my decision is firm. My parents will not suffer of what will me the consequences I may encounter in going to Iloilo. I looked forward of being totally independent from family in terms of financial support. That is a PROMISE.

When I arrived here, I was so sad. I was not able to sleep on my first night, but I have to start now adjusting in my new environment.

I have been facing struggles which I know the consequences of choosing to be here. I saw upperclassmen reading accounting books, and I, too, will be doing it in the next years. “This is it. This is Accountancy. This is not Journalism. I will be expecting terms like ‘inventory’, ‘debit’, ‘accountability’ and ‘liability’. There will be no ‘lead’, ‘editorials’, ‘features’, ‘copy reading’, etc. I will really miss that all.

At first, I was really looking for ways I can sway my fingers into writing. I became a writer of Panay News, a prestigious daily publication in Western Visayas, but I quitted after four months because I found conflicts of my time in writing and in studies. And at the mid of the first semester, there is something that played in my mind of shifting to Broadcast Communication or Journalism in Diliman.

I should be focusing on just one thing. And that is my studies.

I laid down my plans already. I will be finishing Accountancy and shall become CPA. After that, I will be migrating either in Canada or in Europe. I will save first enough money for me to support my siblings’ education and for my parents. And when everything is in its place, I will study Journalism. But for now, I have to fulfill the first part of my plan. And that is to finish Accountancy.

I am here for them- for my parents… for my family. I am so sad that I will not be pursuing my vocation. I am here for a goal. And that is to follow what my parents want me to be, though it’s hard but I have to. I now understand there part. I choose to follow them for I know, that they too, before had ambitions and vocations, but they failed to fulfill. And, now, it will be my great honour pursuing those ambitions for them. That is how obedient I am to my parents. I can give up my own vocations for them. I am now flying a kite not on my own. I am flying my parents’ kite- the kite they specially made for me.

Paano Ba?

Paano ba ang magpatawad sa iyong naging kaibigan?
Dahil sa kanyang mga salitang nabitawan, puso ko’y lubhang nasugatan.
Lahat halos ng kanyang hiningi, materyal na bagay man o hindi
agad kong napagbibigyan kahit may sarili rin akong pangangailangan.

Subalit noong ika-tatlong Lunes ng Disyembre, isang hapong madilim at maulan
Sa calculator na hindi ko maipahiram, sapagkat ito’y akin ding kailangan.
“Maramot ka!” ako’y kanyang sinigawan.
Puso ko’y labis niyang nasaktan.

Lubhang napakasakit na ang mga salitang iyon ay marinig
Galing sa isang kaibigan, galling mismo sa kanyang bibig.
Anong nagawa ko’t ako’y labis niyang sinaktan?
Labis niyang sinaktan sa isang mababaw na dahilan.

Paano magpatawad ang isang pusong napagtaksilan?
Pusong niloko ng mapagkunwaring kaibigan
Ang tratuhin siya nang mabuti ang siyang tangi kong ginawa
Subalit kanyang sinuklian ng maaanghang na salita.

Paano magpatawad ang pusong nasaktan?
Pusong pag-ibig lamang ang siyang tanging laman
Pusong ang maging masaya at magpasaya ang tanging hangad
May puwang pa ba dito ang pagpapatawad?

Puso ko’y hindi galit ni walang bahid ng poot.
Ito lamang ngayon sa kanya’y nagtatampo.
Sa kanyang mga winika’y mundo ko’y gumulo.
Sarili ko’y winasak niya’t binago.

Akin bang kapatawaran sa kanya’y karapat-dapat?
Tanong ko sa sarili, puso ba niya ay tapat?
Ang aking desisyon ay dapat siguraduhin
Kung siya’y idededma, o kung siya’ patatawarin.

Sarili ngayo’y nalilito at naguguluhan.
Ano ang dapat gawin? Alin ang dapat paniwalaan?
Ito bang isip na wala ng pinakikinggan?
O ito bang pusong parating bukas sa sinuman?

Paliwanagin mo itong aking puso’t isipan Diyos na Makapangyarihan
nang malaman ang kasagutan sa aking katanungan
Paano ba ang magpatawad? Paano ba?
Paano ba? Paano?

Don't Judge Me

“Don't judge the book by its cover.” This is the most common motto of people who always receive criticisms from others. And I am not an odd-man-out from this group of people because I have been living in a life which I may describe as a 'depository bank' of criticisms.

Yes, they said “ Don't judge! You don't even know me.” But the worst is, what if a person, who knows you well, is also the person who will be a depositor in criticisms to you.

I will share to you an experience of mine. I cannot forget the exact time and date that this happened. It was December 18, 2006(Second Monday of the Month), 1:23 pm , and it was a rainy afternoon. I was making an assignment in Mathematics in a tambayan around 1. My best friend (yes, you heard it right, my best friend) wanted to borrow the calculator I was using. I said wait because I am still using it. But he insisted. He said he will just be for a moment. But I said no. He grabbed my calculator but he failed to take it from me. He shouted on me “Dalo ka James! Salig ka kay bright ka ug Math?!?” (You're selfish James! Just because you're good in Math?!?)
Those were the exact words I heard from my friend. I cannot hardly believe that he will be the person who could say that words to me. Because I was never been selfish to him.

He was my salutatorian in my elemntary and high school graduations. We almost go to different contests that's why we developed closeness more. I was helping him with his assignments. And so is he. We were really like brothers that time.

I cannot believe I heard it from him since it was the week before Christmas. That's why during Christmas day, I wrote a poem for what had happened enetitled “Paano Ba?”. Here is it.

So that's why I don't sometimes agree or believe of that what Gladwell mentioned about “intuitive repulsion” because there is still a need to know that thing well before giving your feedbacks.