Pages

Miyerkules, Hunyo 9, 2010

Iloilo Students Junk Exorbitant Fees


Press Release
June 8, 2010

Gain Victories through Protest and Dialogue with CHED
 

Militant students from several universities and colleges in Iloilo today greeted the opening of classes with an indignation protest in front of the Commission on higher Education (CHED) Region 6 Office.

“The students are indignant about the worsening education situation in the country. The people’s right to quality yet  accessible education suffered the worst attacks under the Arroyo regime,” said KABATAAN Partytlist Panay Regional Coordinator Lean Redino Porquia.

More than 50 students massed up in Jaro Plaza by 4PM and from there marched to the CHED Region 6 Office with their streamers, placards, and a huge school card bearing outgoing president Arroyo’s failing grade for her educational policies and programs.

Student leaders dialogued with new CHED Region 6 Director Virginia Resurreccion as the protesters continued the picket and held a die-in on the CHED Region 6 Office parking lot.

“Arroyo’s policies directly encouraged less education spending, budget cuts and austerity measures in state universities, and tuition and other feesincreases in both public and private schools. This ye ar alone, 399 tertiary colleges and universities nationwide are raising their tuition. 24 higher educational institutions are having tuition increases in Region 6,” Porquia
added.

Concrete Victories through Collective Action

The indignation rally and dialogue with Director Resurreccion yielded concrete victories for the student sector in the province of Iloilo and the whole of Region 6 with CHED agreeing to the following student demands:

- CHED committed to issue a memorandum making the payment of Parents-Teachers Association (PTA) fees non-mandatory for students.

- CHED committed to create a monitoring body that will investigate the implementation of the tuition hikes in the 24 tertiary educational institutions in Region 6 that raised tuition in the present school year.

- CHED committed to include progressive student groups in this monitoring body.

“Through our protest we proved once more the potency of collective action,” said Leo Carlo Andrew Balidiong, West Visayas State University (WVSU) - University Student Council (USC) Vice Chairperson and National Union of Students of the Philippines (NUSP) Iloilo member.

“We were able to expose that the government agency supposedly tasked with protecting the students’ right to education as nothing more than a rubberstamp that only takes note of fee increases by universities,” added Balidiong.

“CHED should exercise its regulating powers. CHED should not leave it to school owners to indiscriminately hike tuition and other fees. Repressive policies like the CHED Memo 13 that allows unregulated tuition increases should be junked. Education is a right and not a privilege for the financially capable few.”

KABATAAN Partylist Panay and the Iloilo chapters of the Anakbayan, the League of Filipino Students (LFS), the National Union of Students (NUSP), and the College Editors Guild of the Philippines (CEGP) led today’s protest.

Lunes, Hunyo 7, 2010

Mapulang Paglalakbay



Kaysarap pakinggan ang mga huni ng ibon,
Ang agos ng batis habang pumapatak sa talon
Hindi ko na alintana ang daang mabato at maputik
Napapawi ng layunin ng pusong pumipitik.


Nasaan? Nasaan ako? Bakit ako naririto?
Hindi ito ang aking nais nang tinungo ang Iloilo.
Tiniis na malayo sa pamilyang lubog sa dalita
At mag-isang hinarap ang hamon gabay ng pananampalataya.

Patuloy ang paglalakbay sa matirik na bundok
Buong saya na iniisip, nawa’y marating na ang tuktok.
Ngunit nakatatlong oras na, paglalakbay ay tuloy pa rin.
Kailan kaya mawawala ang pagkabitin nitong damdamin?

Nang marating ang tuktok, naging malalim ang paghinga.
Pamamanhid ng tuhod ay aking dinama.
Saka muli ay tumayo at nilingon ang likuran
Nakaraan ay naaalala, ito na ba ay pamamaalam?

Sa aming pamamahinga kahit sa maliit na saglit
Hindi ko maiwasang mata ay ipikit.
Isipan ko rin ay nasa malayong paglalakbay.
Ano nga ba ang makapagbibigay ng kasaganaang tunay?

Aking naaalala noong bago ako lumisan
Isang mabigat na pangako ang aking binitiwan
Malagintong diploma at desenteng kabuhayan
na siyang maibibigay na bunga ng mahal kong pamantasan.

Subalit may kaakibat ang pagpasok sa yaong paaralan,
Maliban sa estudyante ka, Iskolar pa ng bayan.
Pinag-aral ako ng masa gamit ang kanilang buwis.
Buwis na ang pinag-ugatan ay dugo nila at pawis.

Nagin hamon sa akin, ang masa ay paglingkuran
Nagising ang kamulatan, pinag-aralan ang lipunan
sa sistemang malapyudal at malakolonyal na pamayanan
Na naging dahilan ng pagsasamantala sa malawak na hanay ng mamamayan.

Matagal nang nakakulong ang masang Pilipino
Hindi makatakas sa dayuhang matatalas ang kuko
ang hamon sa atin ay paano matatapos
ang ganitong sistema nila ng pambubusabos.

Sa gitna ng kahirapang nararanasan ng sambayanan
ang pananampalataya sa Diyos ay atin pa bang maaasahan?
Ilang siglo na tayong nakaasa sa tadhana?
Ang buhay ng tao ba'y gulong ng palad nga kaya?

Biglang napahinto ang paglalaro ng aking isip
Ipagpapatuloy na ang naudlot na paglalakbay
Mamaya na lang ulit kapag ako ay naidlip
sa pagod ng paglalakad, makakatulog nang matiwasay.

At narating nga namin ang aming patutunguhan
sa isang liblib na baryo sa malayong bayan,
Sa masang anakpawis, lulubog nang isang linggo
at ang paglulubos panahon ay nasa baybayin ng pagkalito.

At ako nga'y narito ngayon sa bingit ng pagpapasya.
Ipagpapatuloy pa ba ang pagpasok sa pamantasan ng burgesya?
Alam kong ito'y hindi sagot para mapalitan ang sistema.
Kailangang sumama't mag-organisa sa manggagawa't magsasaka.

Gagampanan ko na ang obligasyon bilang anak ng bayan
Tulad ni Oble, sarili ko ay aking huhubaran.
Puspusang mag-oorganisa, puspusang makikibaka,
Buhay ko man ang kapalit para sa ganap nating paglaya.

Tutuparin ko pa rin ang mga pangako sa pamilya
Hindi man sa paghandog sa kanila ng aking diploma
Mas bibigyang diin ang nais na kasaganaan.
Itataas ang kaliwang kamao, ang masa ay hawak sa kanan.

Ngayon ay magpapatuloy ang aking talambuhay
Pangarap ay aabutin, hindi man pluma't papel ang bitbit sa kamay
Pulang bandila ay aking dadalhin at iwawagayway
Hanggang sa matapos ang paglalakbay at matatamasa ang kalayaan ng ating buhay.#






*Marami nang pagbabago ang nagawa sa akdang ito.